Entry: parausan 9.8.2004



"... i do declare there were times that i was so
  lonesome and i took some comfort there..." -- the boxer

sa lilim ng punong nasa tabi ng kalye
may nakatayong disenteng babae
pakaway-kaway, ngingiti-ngiti
nag-aalala't may kalaliman na ang gabi
   dalawa daw niyang kapatid ay pinapag-aral
   dahil nasisante ang kanyang tatay
biglang nagkargasilya ang isang magarang lancer
bumukas ang bintana, dumungaw ang kustomer
kaagad niya itong nilapitan
gimik ng patron ay inalam
agad nagkasundo, konti lang ang usapan
   kailangan daw niya'y pauna sa ospital
   upang maipasok ang may sakit niyang nanay
sampung lilimampuin ang nasalok

para sa kaligayahang iniaalok
ang dilag ay nagmadaling sumakay
nang makaiwas sa parak at lagay
humagibis ang kotse, malamang pa-pasay
bukas,
tatayo uli
ang disenteng babae
sa lilim ng punong nasa tabi ng kalye
   habang walang trabaho ang kanyang tatay
   at nagpapagaling ang kanyang nanay
   ang babaing ito ay magsisilbing parausan
   nang ang kanyang pamilya'y makaraos din naman

/marso 13, 1988

   2 comments

jimmy
September 23, 2004   04:03 PM PDT
 
salamat.
Yeye
September 13, 2004   07:40 AM PDT
 
Magaling.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments