Entry: pasting 6.18.2005



hindi siya kumain
katawa'y pagagandahin.
   sa susunod na buwan
   irarampa ang mga bagong disenyo
   ng damit na galing sa ibang bansa.  

hindi siya kumain
pera'y iipunin.
   sa isang linggo
   dadalawin
   ang asawang ipiniit
   sa pagsali sa rali.

hindi siya kumain
protesta sa rehimen.
   bukas,
   unang anibersaryo ng pagpaslang
   sa kasintahang ang mata'y dinukot
   ng mga di-kilalang unipormado
   sa ngalan ng demokrasya.

hindi siya kumain
wala siyang kakainin.
   araw-araw
   kulang pa sa pamilya
   para sa isang seremonya
   sa hapag-kainan ang kita.

hindi siya kumain
nakaamba ang gawain.
   sinaklaw
   ng taktikal na opensiba
   ang oras
   ng kaning mais at ginamos.


(18 hunyo 1987)

   1 comments

geraldine
May 14, 2005   06:48 PM PDT
 
bakit di mo ipinabasa sa akin ito dati? ikaw ha. kumusta ka na? text ka naman? bago na mobile number ko, change mo lang ng 778 yung last 3 digits ng dati.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments