|
Sa himpilang ito ng ating pagmamadali, nagtatalo tayo kung may katiyakang pag-urong o pagsulong sa ating pagsagwan; o kung umaahon tayo o dumadausdos sa ating paglalakbay. Sa inumang ito, na walang tiyak na panangga sa biglaang bugso ng ulan, pinipilit nating i-ahon ang mga nalulunod na mga relasyon, hinihiling na may mamagitan sa magkabilang-panig ng ating pagdadalawang-isip. Sa tahanang ito, nilulunod ng jukebox ang ating mga pangaral at parangal. Sa bawat pagdating at pag-alis, nagsasara tayo ng mga bukas at nagbubukas tayo ng mga isasara. |
| Leave a Comment: |