field notes
panimulang tala sa ilang pakikipag-inuman sa 'sa piging'
Sa lugar na ito, na madalas ay nag-aamoy inidoro ang buong paligid, paulit-ulit na usapan ang ating pagmamadali dahil marahil tayo'y huli na.
Sa himpilang ito ng ating pagmamadali, nagtatalo tayo kung may katiyakang pag-urong o pagsulong sa ating pagsagwan; o kung umaahon tayo o dumadausdos sa ating paglalakbay.
Sa inumang ito, na walang tiyak na panangga sa biglaang bugso ng ulan, pinipilit nating i-ahon ang mga nalulunod na mga relasyon, hinihiling na may mamagitan sa magkabilang-panig ng ating pagdadalawang-isip.
isang sukatan ng buhay
sa mga tangkay ng bugambilya
na noong isang linggo
ay inakala kong tuluyan nang nagtampo
at nalanta nang lubos.
may bisa ang dasal
para sa halamang ito
na isa ding sukatan ng buhay
dito sa aming tahanan...
project 6, quezon city / 28 setyembre 2003
mula sa likod ng bahay sa jones
ang pilit humahaginit na raya ng bukanliwayway...
tila giniginaw ang ilog...
kawalan
ang mga bote ng serbesa
kapag di sinusuwerte
sa pag-igib ng pag-ibig
naaalaala sa sagada 1
and mga ulap na nakadantay
sa kanyang sinapupunan.
pinapasuso ng mga bukal
ang mga punong pino na nakatanod
sa kanyang mga payaw.
sa eroplano tungong butuan
patungong hilaga
pasan nila ang kanilang lawa, burol,
talampas, bundok, ilog
palayan, maisan, niyugan
at ang mga sambayanang
nag-aaruga sa kanila.
pabaon
pasting
katawa'y pagagandahin.
sa susunod na buwan
irarampa ang mga bagong disenyo
ng damit na galing sa ibang bansa.
hindi siya kumain
pera'y iipunin.
sa isang linggo
dadalawin
ang asawang ipiniit
sa pagsali sa rali.
hindi siya kumain
protesta sa rehimen.
bukas,
unang anibersaryo ng pagpaslang
sa kasintahang ang mata'y dinukot
ng mga di-kilalang unipormado
sa ngalan ng demokrasya.
hindi siya kumain
wala siyang kakainin.
araw-araw
kulang pa sa pamilya
para sa isang seremonya
sa tv noong setyembre 10
'sandosenang helikopter and dumating
sa mga bayang nakalubog sa baha.
lubog.
lubog na lubog
ang mga bayan sa baha.
ibinaba.
ibinaba mula sa helikopter
ang mga bigas,
saku-sakong bigas.
ipinagulong.
ipinagulong mula sa helikopter
and mga de-lata,
kartun-kartong de-lata.
ipinakain.
maraming ipinakain
na kanin at de-lata.
binusog.
binusog nang husto
ang mga matatanda't mga batang
nakalutang sa baha.
lutang.
lutang na lutang
ang mga bata't matatanda sa baha.
nabarahan.
parausan
lonesome and i took some comfort there..." -- the boxer
sa lilim ng punong nasa tabi ng kalye
may nakatayong disenteng babae
pakaway-kaway, ngingiti-ngiti
nag-aalala't may kalaliman na ang gabi
dalawa daw niyang kapatid ay pinapag-aral
dahil nasisante ang kanyang tatay
biglang nagkargasilya ang isang magarang lancer
bumukas ang bintana, dumungaw ang kustomer
kaagad niya itong nilapitan
gimik ng patron ay inalam
agad nagkasundo, konti lang ang usapan
kailangan daw niya'y pauna sa ospital